❝ p a a l a m ❞

Umpisahan natin sa salitang paalam, 

paalam. 
Paalam sa mga masasayang araw na ating pinagsamahan, 
sa mga panahong ating pinag alayan. 
Paalam sa mga matatamis na katagang ating binitawan, 
sa mga tawagang hinding hindi ko malilimutan. 
Paalam na huling namutawi sa ating bibig
na noo'y puro pag-ibig ang bukambibig.

 

Paano, paano ba tayo humantong sa paalamanan na ito? 
Akala ko ba forever na'to
pero bakit sabi mo sawa kana sa taong gaya ko?!

Mahal may inasikaso langa ako, 
pero bakit biglang nawala pag ibig mo?
Anong nangyari sa pag ibig mo na ngayo'y nilisan na ako!

 

Ayaw ko mang iwanan ka sinta, 
pero kung ika sasaya mo, 
sige mahal, malaya kana! 
Malaya kana sa isang taong walang kwenta!

Ipagpatuloy mo lang buhay mo, 
habang ako, 
maghihintay ng oras para maka move on sayo!
Dahil sa paalam mo na naging sanhi ng pagkaguho ng buhay ko..

Paalam na mahal ko, 
salamat sa wasak na pusong iniwan mo.

This poem is about: 
Me

Comments

Need to talk?

If you ever need help or support, we trust CrisisTextline.org for people dealing with depression. Text HOME to 741741