Ang Aking Irog
Tirik man ang araw,
Kasama ko ang aking irog,
Naghabulan kami sa gilid ng ilog,
Sa sobrang saya, puso ko'y kumakabog,
Di ko maisip, di ko mawari,
Ang kanyang mga ngiti, singganda ng bahag-hari,
Di nakakasawa kung siya'y titigan,
At ang siya'y mahagkan, tila nasa kalangitan,
Pumunta kami sa isang summerfest,
Sa pagkakatanda ko, siya'y tinawag kong "Bhest"
At siya'y ipinakilala sa mga kaibigan,
Sila'y nag-usap, nagsaya at nagkakilanlan,
Pagkatapos sa amin, siya'y aking dinala,
Ayaw sanang sumama pagkat nahihiya,
Sabi ko, "Wag matakot, ako ang bahala,
Mabait naman ang aking Lola,"
Tinanggap siya ng malumanay,
Pagdating sa Bahay,
Nag-meryenda ng softdrinks at tinapay
Kasama si Nanay,
Ito pala'y matagal na niyang hangad at pangarap,
Ang sa pamilya ng minamahal, siya ay iharap,
Sa akin ay lubos ang kanyang pasasalamat,
Pagkat sa kanya, ibinigay ko ang lahat,
Maya-maya'y may liwanag na tumama saking mga mata,
Ang lahat ng nasaksihan ko'y panaginip lamang pala.
