KASALUKUYAN
Isang litrato mo aking nakita.
Di na malarawan mukha mo sa alaala.
Para bang isang panaginip ang nagyari sa ating dalawa.
Sa panaginip na gusto kong magising at wag na lang ulitin.
Isa bang sakit o sumpa.
Sa buhay ko'y itinakda.
O Diyos bakit siya pa.
Bakit pa ang aking sinta.
Paulit ulit na naglalaro sa aking isipan.
Mga tanong na bakit at paano
Kailanman hindi mahanap mga kasagutan.
Mga kasagutan sa tanong na walang hanggan.
Tanong ko na lang, ako ba'y iyong pinaparusahan.
Bakit ba sa amin pa nangyari.
Sa araw na kami'y dapat mayayari.
Buhay niya Iyong kinuha.
Buhay ng aking sinta
Bakit siya pa?
At sa mismong araw pa naming dalawa?
Dahil sa nangyari buhay ko'y nagdilim na.
Gusto ko ng tapusin paghihirap na nadarama.
Ngunit tunay nga bang may himala.
Ako'y sayo'y maghihintay.
Oras lang ang karamay.
O Diyos magsalita ka bago ako mamatay.
Ano ba?
Bakit ba?
Huling hiling ko sayo.
Ako'y iyong saguting, sa oras na ito.
May biglang bumulong sa akin.
Isang tinig na sa akin ay nagpagising.
Nagpagising sa bangungot na nagpahina sakin.
Hindi ko mawari bakit nag kaganito.
Kung itoy panaginip bakit tila totoo.
Tinig mo, boses mo.
Aking napakinggan.
Ipagpatuloy mo buhay na sa akin ay naiwan.
Sinambit mo sa aking kalooblooban.
Na aking buhay wag isuko sa kamalian.
Na siya'y may plano at akin ito'y hagkan.
Muling nagising at bumangon. Bumangon pagkatapos ng isang hamon.
At nagising sa katotohanan
Na dapat kong pahalagahan ang kasalukayan
At kalimutan ang sakit na idinulot sakin ng nakaraan.
At magpasalamt dahil nagising ako sa katotohanan
Kasalukuyan na dapat pinahahalagahan at hindi ginagawang nakaraan.